Protektahan ang Iyong Sarili
Habang may Pag-atake
Pagkatapos ng Pag-atake
Mga Karagdagang Mapagkukunan
Ang mga cyberattack ay mga mapaminsalang pagtatangka na i-access o sirain ang isang computer o network system. Ang mga cyberattack ay maaaring humantong sa pagkawala ng pera o pagnanakaw ng impormasyong personal, pinansyal at medikal. Maaaring masira ng mga pag-atakeng ito ang iyong reputasyon at kaligtasan.
Kabilang sa cybersecurity ang pag-iwas, pagtuklas at pagtugon sa mga cyberattack na iyon na maaaring magdulot ng malawak na epekto sa mga indibidwal, mga organisasyon, komunidad at bansa.
Maaaring mangyari ang mga cyberattack sa maraming paraan, kabilang ang:
- Pag-access sa iyong mga personal na computer, mobile phone, mga gaming system at iba pang device na nakakonekta sa internet at Bluetooth.
- Pagsira sa iyong pinansiyal na seguridad, kabilang ang pagnanakaw ng pagkakakilanlan.
- Paghadlang sa iyong access o pagtanggal sa iyong personal na impormasyon at mga account.
- Pagiging kumplikado ng mga serbisyo sa trabaho o negosyo.
- Pagkakaroon ng epekto sa transportasyon at sa power grid.
Protektahan ang Iyong Sarili Laban sa Mga Cyberattack
Maiiwasan mo ang mga panganib sa cyber sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga hakbang nang maaga:
- Limitahan ang personal na impormasyong ibinabahagi mo online. Baguhin ang mga setting ng pagiging pribado at huwag gumamit ng mga feature ng lokasyon.
- Panatilihing napapanahon ang mga software application at mga operating system.
- Gumawa ng mga malakas na password sa pamamagitan ng paggamit ng malalaki at maliliit na titik, numero at espesyal na karakter. Gumamit ng password manager at dalawang paraan ng pagberipika.
- Mag-ingat sa kahina-hinalang aktibidad na humihiling sa iyo na gawin kaagad ang isang bagay, nag-aalok ng isang bagay na mukhang napakaganda para maging totoo, o nangangailangan ng iyong personal na impormasyon. Mag-isip muna bago mo i-click. Kapag may pagdududa, HUWAG i-click.
- Protektahan ang iyong tahanan at/o negosyo gamit ang isang ligtas na koneksyon sa Internet at Wi-Fi network, at regular na palitan ang mga password
- Huwag ibahagi ang mga PIN o mga password. Gumamit ng mga device na gumagamit ng biometric scan kapag posible (hal. fingerprint scanner o facial recognition).
- Regular na tingnan ang iyong mga account statement at credit report.
- Maging maingat sa pagbabahagi ng personal na impormasyong pinansiyal, gaya ng iyong numero ng account sa bangko, numero ng Social Security o numero ng credit card. Magbahagi lamang ng personal na impormasyon sa mga ligtas na site na nagsisimula sa https://. Huwag gumamit ng mga site na may mga di-wastong certificate. Gumamit ng Virtual Private Network (VPN) na lumilikha ng mas ligtas na koneksyon.
- Gumamit ng mga solusyong antivirus at anti-malware, at mga firewall para harangan ang mga banta.
- Regular na magkaroon ng back up ng iyong mga file sa isang naka-encrypt na file o sa storage device ng naka-encrypt na file.
- Huwag i-click ang mga link sa mga text o mga email mula sa mga taong hindi mo kilala. Maaaring gumawa ng mga pekeng link sa mga website ang mga scammer.
- Tandaan na hindi tatawag, magte-text o makikipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng social media ang gobyerno tungkol sa pagkakautang.
- Tandaan na maaaring subukan ng mga scammer na samantalahin ang mga takot na pang-pinansiyal sa pamamagitan ng pagtawag gamit ang mga oportunidad ng pagtatrabaho mula sa bahay, mga alok sa pagsasama-sama ng utang at mga plano sa pagbabayad ng pautang sa estudyante.
Habang may Cyberattack
- Tingnan ang iyong credit card at bank statement kung may mga hindi matukoy na mga singil.
- Tingnan ang iyong mga credit report kung may anumang bagong account o pautang na hindi mo binuksan.
- Maging maingat sa mga email at mga gumagamit ng social media na humihingi ng pribadong impormasyon.
- Kung may napansin kang kakaibang aktibidad, limitahan ang pinsala sa pamamagitan ng pagpapalit kaagad ng lahat ng password ng iyong account sa internet.
- Pag-isipan ang pag-off ng device na naapektuhan. Dalhin ito sa isang propesyonal upang i-scan para sa mga potensyal na virus at alisin ang anumang nahanap nila. Tandaan: Hindi ka tatawagan ng isang kompanya at hihingin ang kontrol sa iyong computer para ayusin ito. Ito ay isang karaniwang scam.
- Ipaalam sa trabaho, paaralan o iba pang may-ari ng system kung ano ang nangyari.
- Magsagawa ng security scan sa iyong device upang matiyak na ang iyong system ay hindi nahawaan o kumikilos nang mas mabagal o hindi mahusay.
- Kung makakita ka ng problema, alisin ang koneksyon ng iyong device sa Internet at magsagawa ng full system restore.
Pagkatapos ng Pag-atake
Ipaalam sa tamang mga awtoridad ng pederal, estado at lokal kung naniniwala kang naging biktima ka ng isang cyberattack.
- Makipag-ugnayan sa mga bangko, mga kompanya ng credit card at iba pang kompanya ng mga serbisyong pinansiyal kung saan ka may hawak na mga account. Maaaring kailanganin mong maglagay ng mga paghihigpit sa mga account na nagkaroon ng pag-atake. Isara ang anumang hindi awtorisadong credit o mga account sa pagsingil. I-ulat na maaaring may gumagamit sa iyong pagkakakilanlan.
- Maghain ng ulat sa Office of the Inspector General (OIG) kung sa tingin mo ay may ilegal na gumagamit ng iyong numero ng Social Security.
- Maghain ng reklamo sa Internet Crime Complaint Center (IC3) ng FBI.</274 Susuriin nila ang reklamo at isasangguni ito sa naaangkop na ahensya.
- Maghain ng ulat sa mga lokal na pulisya upang magkaroon ng opisyal na tala ng insidente.
- I-ulat ang pagnanakaw sa pagkakakilanlan sa Federal Trade Commission.
- Makipag-ugnayan sa Federal Trade Commission (FTC) sa ftc.gov/complaint kung makatanggap ka ng mga mensahe mula sa sinumang nagsasabing ahente ng gobyerno.
- Makipag-ugnayan sa mga karagdagang ahensya depende sa kung anong impormasyon ang ninakaw. Kabilang sa mga halimbawa ang pakikipag-ugnayan sa:
- Social Security Administration (800-269- 0271) kung ang iyong numero ng Social Security ay nakompromiso, o
- Department of Motor Vehicles kung ang iyong lisensya sa pagmamaneho o pagpaparehistro ng sasakyan ay ninakaw.
- I-ulat ang online na krimen o pandaraya sa iyong lokal na United States Secret Service (USSS) Electronic Crimes Task Force o sa Internet Crime Complaint Center.
Mga Karagdagang Mapagkukunan
- Cybersecurity and Infrastructure Security Agency ng Department of Homeland Security
- Information Sheet para sa Cyberattack (PDF)
- DHS Stop.Think.Connect.™ na Kampanya
- Pananaliksik sa Mga Aksyong Magsisilbing Proteksiyon para sa mga Cyberattack
- Federal Bureau of Investigation: Cyber Crime
- National Cyber Security Alliance, isang non-profit na organisasyong nagpapalakas sa isang mas ligtas na magkakaugnay na mundo.
- NetSmartz
- Ang iKeepSafe ay nagbibigay ng ligtas na digital na landscape para sa mga bata, paaralan at mga pamilya.
- Ang iSafe ay nagpapatunay na sumusunod ang mga digital na produkto sa mga kinakailangang pang-estado at pang-pederal para sa paghawak ng protektadong personal na impormasyon.