Gumawa ng plano ngayon. Maaaring hindi magkakasama ang inyong pamilya kung may dumating na sakuna, kaya mahalagang malaman kung aling mga uri ng sakuna ang maaaring makaapekto sa inyong lugar. Alamin kung paano kayo makikipag-ugnayan sa isa't isa at muling kumonekta kung magkahiwalay. Magtatag ng isang lugar ng pagpupulong ng pamilya na pamilyar at madaling mahanap.
Hakbang 1: Pagsama-samahin ang isang plano sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga tanong sa ibaba kasama ng inyong pamilya, mga kaibigan o sambahayan upang simulan ang inyong planong pang-emerhensiya.
- Paano ako makakatanggap ng mga pang-emerhensiyang alerto at babala
- Ano ang plano kong masilungan?
- Ano ang aking ruta ng paglikas?
- Ano ang plano ng komunikasyon ng aking pamilya/sambahayan?
- Kailangan ko bang i-update ang aking kit para sa emerhensiyang paghahanda ?
Hakbang 2: Isaalang-alang ang mga partikular na pangangailangan sa inyong sambahayan.
Habang inihahanda ninyo ang inyong plano na angkop sa inyong mga plano at suplay sa inyong partikular na pang-araw-araw na pangangailangan at responsibilidad sa pamumuhay. Talakayin ang inyong mga pangangailangan at responsibilidad at kung paano matutulungan ng mga tao sa network ang isa't isa sa komunikasyon, pangangalaga sa mga bata, negosyo, alagang hayop o partikular na pangangailangan tulad ng pagpapatakbo ng mga medikal na kagamitan. Lumikha ng inyong sariling personal na network para sa mga partikular na lugar kung saan kailangan mo ng tulong. Isaisip ang ilang mga bagay na ito sa pagbuo ng inyong plano:
- Iba't ibang edad ng mga miyembro sa loob ng inyong sambahayan
- Mga responsibilidad sa pagtulong sa iba
- Mga lokasyong madalas puntahan
- Mga pangangailangan sa pagkain
- Mga pangangailangang medikal kabilang ang mga reseta at kagamitan
- Mga kapansanan o access at gumagana na mga pangangailangan kabilang ang mga aparato at kagamitan
- Mga wikang sinasalita
- Mga pagsasaalang-alang sa kultura at relihiyon
- Mga alagang hayop o mga hayop na pang-serbisyo
- Mga sambahayan na may mga batang nasa edad na nag-aaral
Hakbang 3: Punan ang Planong Pang-emerhensiya ng Pamilya
Mag-download at punan ang planong pang-emerhensiya ng pamilya o gamitin ito bilang gabay na makagawa ng sarili ninyo.
Plano ng Pakikipag-ugnayan sa Emerhensiya ng Pamilya
Hakbang 4: Mag-ensayo ng inyong plano kasama ng inyong pamilya/sambahayan
Mga Materyales sa Paghahanda
Gumawa ng Plano ng Pakikipag-ugnayan sa Pang-emerhensiya ng Pamilya sa Ingles o Mga Karagdagang Wika
Mapupunang Kard para sa Planong Pakipag-komunikasyn sa Pamilya sa Ingles o Mga Karagdang Wika
Alamin ang Inyong Mga Alerto at Babala saIngles o
12 Paraan ng Paghahanda sa Ingles o Mga Karagdagang Wika
Idokumento at Iseguro ang Inyong Ari-arian sa Ingles o
Pangalagaan ang mga Kritikal na Dokumento at Mga Mahahalagang Kagamitan saIngles o Mga Kargdagang Wika
Karagdagang Nilalaman
- Site ng FEMA sa Pag-order Online
- Planong Pang-emerhensiya para sa mga Nagbibiyahe (PDF)
- Mga May-ari ng Alagang Hayop (PDF)
- Protektahan ang Mga Kritikal na Dokumento at Mga Mahahalagang Kagamitan (PDF)
- Pang-emerhensiyang Pinansyal na Kit para sa Pangunang Lunas (PDF)
- Checklist para sa Konsumidor sa Pinansyal na Proteksyon ng Kawanihan para sa Sakuna (PDF)
- Gumawa ng Plano (Bidyo)