U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

Https

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Two mini vans - one red and one white - are caught in a landslide and have fallen off the road

Mga Pagguho ng Lupa at Pagdaloy ng Pira-pirasong Basura (Debris)

Before a Landslide

Habang Nangyayari ang Pagguho ng Lupa

Pagkatapos ng Pagguho ng Lupa

Kaugnay na Nilalaman

Nangyayari ang mga pagguho ng lupa sa lahat ng estado at teritoryo ng U.S. at maaaring sanhi ng maraming kadahilanan kabilang ang mga lindol, bagyo, pagsabog ng bulkan, sunog at mga pagbabagong ginawang tao sa lupa. Ang pinaka-mapanganib, nagbabanta sa buhay at pinaka-nakamamatay na pagguho ng lupa ay ang mga mabilis na nagaganap, kadalasan ay hindi ito napaghahandaan.

feature_mini img

Ang pagguho ng lupa ay nangyayari kapag ang mga nabutnon na mga bato, putik o mga basura ay dumadaloy pababa sa isang dalisdis (slope). Kapag ang napakalaking apoy ay sumunog sa dalisdis, pinatataas nito ang posibilidad ng pagguho ng lupa sa loob ng ilang taon.

Kung paano protektahan ang iyong sarili o ang iyong ari-arian ay depende sa uri ng pagguho ng lupa. Ang pag-zoning sa paggamit ng lupa, mga propesyonal na inspeksyon, at wastong disenyo ay maaaring mabawasan ang maraming problema sa pagguho ng lupa, ngunit madalas na ang paglikas ay ang tanging paraan upang maprotektahan ang mga buhay mula sa pagdaloy ng mga pira-pirasong basura o iba pang mabilis na pagguho ng lupa.

Hindi lahat ng pagguho ng lupa ay mabilis. Ang ilang mabagal na pagguho ng lupa ay gumagalaw  ng kasing-bagal ng susô, humihinto at nagsisimula, at hindi sumusulong nang higit sa tatlong talampakan sa isang taon. Bagama't ang mga pagguho ng lupa na ito ay bihirang maging sanhi ng pagkawala ng buhay, maaari silang magdulot ng pinsala sa lupa at ari-arian sa paglipas ng panahon.

Bago ang Pagguho ng Lupa

Ang mga sumusunod ay mga bagay na maaari mong gawin upang maprotektahan ang iyong sarili, ang iyong pamilya at ang iyong ari-arian mula sa mga epekto ng pagguho ng lupa o pagdaloy ng mga pira-pirasong basura (debris):

Image
An emergency supply kit that includes scissors, duct tape, plastic a flashlight and cleaning supplies.
  • Gumawa ng emergency kit.
  • Gumawa ng plano para sa iyong sambahayan, kabilang ang iyong mga alagang hayop, upang malaman mo at ng iyong pamilya kung ano ang gagawin at kung saan pupunta kung sakaling magkaroon ng pagguho ng lupa.
  • Mag-sign up para sa sistema ng babala sa iyong komunidad. Ang Emergency Alert System (EAS) at National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) Weather Radio ay nagbibigay din ng pang-alertong emerhensiya.
  • Umalis kung sinabihan kang lumikas o sa tingin mo ay hindi ligtas na manatili sa iyong tahanan. I-text ang SHELTER + ang iyong ZIP code sa 43362 (4FEMA) para mahanap ang pinakamalapit na silungan (shelter) sa iyong lugar (halimbawa: shelter 12345).
  • Kumonsulta sa isang propesyonal para sa payo tungkol sa naaangkop na mga hakbang sa pag-iwas para sa iyong tahanan o negosyo, tulad ng nababaluktot na mga kabit ng tubo, na mas makakalaban sa pagkabasag.
  • Protektahan ang iyong ari-arian batay sa mga rekomendasyon mula sa kwalipikadong propesyonal na geotechnical at/o lokal na lungsod/county na patnubay sa proteksyon mula sa pagdaloy ng mga pira-piraong basura at pagbaha. Hindi mo maaaring ihinto o baguhin ang landas ng daloy ng mga pira-pirasong basura. Gayunpaman, maaari mong maprotektahan ang iyong ari-arian mula sa tubig baha o putik sa pamamagitan ng paggamit ng mga nakasakong buhangin, retaining wall o k-rails (Jersey barriers).
  • Sa mga lugar na dumadaloy ang putik at pira-pirasong basura (debris), isaalang-alang ang pagbuo ng mga channel o deflection wall upang subukang idirekta ang daloy sa paligid ng mga gusali. Magkaroon ng kamalayan, subali’t, kapag malaki ang daloy, ito ay pupunta kung saan nito gusto. At, maaari kang managot sa mga pinsala kung inilihis mo ang daloy at dumaloy ito sa ari-arian ng kapitbahay.
  • Makipag-usap sa iyong ahente ng insurance kung ikaw ay nasa panganib mula sa pagguho ng lupa. Ang pagdaloy ng mga pira-pirasong basura ay maaaring saklawin ng mga insurance policy sa baha ng National Flood Insurance Program (NFIP).

Kilalanin ang Mga Senyales ng Babala

Bantayan ang mga pagdaloy ng mga pira-pirasong basura at iba pang mabilis na pagguho ng lupa na nagdudulot ng mga banta sa buhay:

  • Kung malapit ka sa lugar ng pagkasunog ng napakalaking apoy, mag-sign up para sa mga alertong pang-emerhensiya at bigyang-pansin ang mga pagbabalita tungkol sa panahon para sa lugar na nasusunog.
  • Makinig at magbantay ng rumaragasang tubig, putik o hindi pangkaraniwang mga tunog.
  • Ang mga hindi pangkaraniwang tunog tulad ng paglagitik ng mga puno o pagbagsak ng mga malalaking bato, ay maaaring magpahiwatig ng gumagalaw na mga pira-pirasong basura (debris). Ang mahinang dagundong na tunog na tumataas ang lakas nito ay kapansin-pansin habang papalapit ang pagguho ng lupa.
  • Ang mga malalaking bato sa lupain (landscape) ay maaaring mga palatandaan ng mga nakaraang pagdaloy ng mga pira-pirasong basura (debris).

Bantayan ang mga mabagal na pagguho ng lupa, o pag-agos ng lupa, na nagdudulot ng mga banta sa ari-arian:

  • Nagaganap ang mga pagbabago sa iyong lupain gaya ng mga pattern ng paagusan-ng tubig bagyo sa mga dalisdis (lalo na sa mga lugar kung saan nagtatagpo ang runoff water) paggalaw ng lupa, maliliit na slide, agos, o unti-unting nakasandal na mga puno.
  • Ang mga pinto o bintana ay dumikit o masikip sa unang pagkakataon.
  • Lumalabas ang mga bagong bitak sa plaster, tile, brick o pundasyon.
  • Ang mga pader sa labas, daanan o hagdan ay nagsisimulang humiwalay sa gusali.
  • Ang dahan-dahang umuusbong, lumalawak na mga bitak ay lumilitaw sa lupa o sa mga sementadong lugar tulad ng mga lansangan o daanan.
  • Nasira ang mga linya ng utility sa ilalim ng lupa.
  • Ang nakaumbok na lupa ay lumilitaw sa base ng dalisdis (slope).
  • Ang tubig ay lumulusot sa ibabaw ng lupa sa mga bagong lokasyon.
  • Ang mga bakod, retaining wall, mga poste ng utility, o mga puno ay tumatagilid o gumagalaw.
  • Ang lupa ay dumadalisdis pababa sa isang direksyon at maaaring magsimulang lumipat sa direksyon na iyon sa ilalim ng iyong mga paa.

Habang Nangyayari ang Pagguho ng Lupa

Image
A woman listing to the radio
  • Makinig sa mga lokal na istasyon ng balita sa radyong pinapagana ng baterya para sa mga babala.
  • Palaging sundin ang mga tagubilin mula sa mga lokal na tagapamahala ng emerhensiya. Nagbibigay sila ng mga pinakabagong rekomendasyon batay sa banta sa iyong komunidad.
  • Manatiling alerto at gising habang nangyayari ang bagyo na maaaring magdulot ng pagguho ng lupa. Maraming pagkamatay mula sa pagguho ng lupa ang nangyayari habang natutulog ang mga tao
  • Magkaroon ng kamalayan na sa oras na sigurado kang may dumarating na mga pira-pirasong basura (debris), huli na para makaalis nang ligtas. Huwag kailanman tumawid sa kalsada na may tubig o putik na umaagos. Huwag na huwag tumawid sa tulay kung makakita ka ng papalapit na dumadaloy dahil maaari itong lumaki nang mas mabilis at mas malaki na masyadong mabilis para makatakas ka pa.
  • Kung ikaw ay natigil sa dinaanan ng pagguho ng lupa, pumunta sa mataas na bahagi hangga't maaari.
  • Iwasan ang mga lambak ng ilog at mababang-lugar sa panahon ng panganib
  • Kung malapit ka sa sapa o channel, maging alerto para sa anumang biglaang pagtaas o pagbaba ng daloy ng tubig o tubig na nagbabago mula sa malinaw hanggang sa maputik. Ito ay maaaring mga senyales na may paparating na pagguho ng lupa.

Pagkatapos ng Pagguho ng Lupa

  • Lumayo sa lugar ng ginuguhuan. Maaaring may panganib na nagmumula sa mga karagdagang ginuguhuan (slide).
  • Makinig sa mga lokal na istasyon ng radyo o telebisyon para sa pinakabagong impormasyong pang-emerhensiya.
  • Mag-ingat sa pagbaha. Ang mga baha kung minsan ay kasunod ng pagguho ng lupa at pag-agos ng mga pira-pirasong basura (debris) dahil maaaring pareho silang sinimulan ng parehong mga kondisyon.
  • Suriin kung may nasugatan at nakulong na mga tao malapit sa ginuguhuan, nang hindi pumapasok sa direktang lugar ng ginuguhuan. Idirekta ang mga tagasagip sa kanilang mga lokasyon.
  • I-report ang mga sirang linya ng utility at mga nasirang daanan at riles sa naaangkop na awtoridad. Ang pagre-report ng mga potensyal na panganib ay magpapasara sa mga utility sa lalong madaling panahon, at maiiwasan ang karagdagang panganib at pinsala.
  • Pahintulutan ang mga sinanay na propesyonal na suriin ang pundasyon ng gusali, chimney, at nakapaligid na lupa para sa pinsala.
  • Muling taniman ang napinsalang lupa sa lalong madaling panahon dahil ang pagguho na dulot ng pagkawala ng takip sa lupa ay maaaring humantong sa biglaang pagbaha at karagdagang pagguho ng lupa sa hinaharap.
  • Humingi ng payo mula sa isang geotechnical na eksperto para sa pagsusuri ng mga panganib sa pagguho ng lupa o pagdidisenyo ng mga diskarte sa pagwawasto upang mabawasan ang panganib ng pagguho ng lupa. Maaaring payuhan ka ng isang propesyonal sa mga pinakamahusay na paraan upang maiwasan o mabawasan ang panganib ng pagguho ng lupa, nang hindi magdulot ng karagdagang panganib.

Last Updated: 02/03/2023

Return to top