Maghanda sa Pagkulog at Kidlat
Manatiling Ligtas sa Panahon ng
Manatiling Ligtas Pagkatapos ng
Ang pagkidlat ay nangungunang sanhi ng pinsala at pagkamatay mula sa mga peligrong kaugnay ng panahon. Bagaman karamihan ng mga biktima ng kidlat ay nakaliligtas, ang mga taong tinatamaan ng kidlat ay madalas nag-uulat ng iba't ibang pangmatagalang, nakapipinsalang sintomas.
Ang mga pag-ulan na may pagkulog ay mga mapanganib na malalakas na ulan na may kasamang kidlat na makakalikha o magdudulot ng:
- Napakalakas na hangin na mahigit sa 50 mph
- Hail
- Biglaang pagbabaha at/o mga tornado
Maghanda sa Pagkulog at Kidlat
Alamin ang Peligro Mo
Alamin ang peligro ng lugar mo para sa mga pag-ulan na may pagkulog. Sa karamihan ng mga lugar ay maaaring maganap ito buong taon sa anumang oras. Magpatala sa sistema ng babala ng komunidad mo. Ang Emergency Alert System (EAS) at ang National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) Weather Radio ay nagbibigay din ng mga pang-emergency na alerto.
Patibayin ang Tahanan Mo
Putulin o putulan ang mga puno na maaaring nasa panganib na mahulog sa tahanan mo. Pag-isipang bumili ng mga surge protector, lightning rod o sistema ng proteksiyon sa kidlad para protektahan ang tahanan mo, mga appliance at mga electronic na device.
Gumawa ng Plano para sa Emergency
Gumawa ng plano para sa emergency para alam mo at ng pamilya mo kung ano ang gagawin, saan pupunta at ano ang kailangan mo para protektahan ang mga sarili niyo mula sa mga epekto ng ulan na may kulog. Kilalanin ang matitibay na gusaling malapit kung saan ka nakatira, nagtatrabaho, nag-aaral at naglalaro.
Manatiling Ligtas Sa Panahon ng Ulan na May Pagkulog at Kidlat
Kung nasa ilalim ka ng babala sa ulan na mya pagkulog:
- Kapag tumunog ang kulog, pumasok sa loob! Lumipat mula sa labas papunta sa gusali o kotse na may bubong.
- Bigyang atensiyon ang mga alerto at mga babala.
- Iwasang gumamit ng mga electronic na device na konektado sa saksakan ng kuryente.
- Iwasan ang umaagos na tubig.
- Umikot. Huwag Magpalunod! Huwag magmaneho sa mga bahang kalye. Kahit ang anim na pulgada lamang ng mabilis na pagbuhos ng tubig ay magagawa kang pabagsakin, at ang isang talampakan ng gumagalaw na tubig ay maaaring walisin ang iyong sasakyan.
Manatiling Ligtas Makalipas ang Ulan na May Pagkulog at Kidlat
- Bigyang atensiyon ang mga awtoridad at mga pagtaya ng panahon para sa impormasyon kung ligtas lumabas at mga tagubilin tungkol sa potensiyal na biglaang pagbabaha.
- Mag-ingat sa mga natumbang linya ng kuryente at mga puno. Iulat ito agad.