Maghanda Bago Pa
Makaligtas Habang Nangyayari
Maging Ligtas Pagkatapos
Ang mga mapanganib na materyales ay maaaring magsama ng mga pampasabog, nasusunog at nasusunog na mga sangkap, mga lason at radioactive na materyales. Ang mga elemento ng kemikal ay mga nakakalason na singaw, aerosol, likido at solid na may nakakalason na epekto sa mga tao, hayop o halaman. Maaaring mangyari ang mga emerhensiya sa panahon ng paggawa, pag-iimbak, transportasyon, paggamit o pagtatapon ng mga mapanganib na materyales. Ikaw ay nasa panganib kapag ang mga kemikal ay ginagamit nang hindi ligtas o inilabas sa mga mapanganib na dami nito kung saan ka nakatira, nagtatrabaho o naglilibang.
Ang mga senyales ng paglabas ng kemikal kabilang ang nahihirapan sa paghinga, pangangati ng mata, pagkawala ng koordinasyon, pagduduwal o pagkasunog sa ilong, lalamunan at baga. Ang pagkakaroon ng maraming patay na insekto o ibon ay maaaring nagpapahiwatig ng paglabas ng elemento ng kemikal.
Bago pa ang Insidente
Maraming komunidad ang may mga Local Emergency Planning Committee (LEPCs) na responsable sa pagkolekta ng impormasyon tungkol sa mga kemikal at mapanganib na materyales sa komunidad at pagpaplano para sa mga aksidente. Ang mga materyales na ito ay available sa publiko kapag ito ay hinihiling. Makipag-ugnayan sa iyong lokal na tanggapan na namamahala ng emerhensiya para sa karagdagang impormasyon sa mga LEPCs.
- Bumuo ng Supply Kit na Pang-emerhensiya at isama ang duct tape, gunting at plastik para matakpan ang mga pinto, bintana at mga lagusan.
- Gumawa ng Pang-emerhensiyang Plano sa Pamilya.
- Alamin kung paano patakbuhin ang sistema ng bentilasyon ng iyong tahanan.
- Tukuyin ang isang silid na silungan sa itaas ng lupa (above-ground shelter) na may kaunting bukasan lamang hangga't maaari.
- Magbasa nang higit pa tungkol sa sumilong sa lugar (sheltering in place).
Sa panahon ng Insidente
Makinig sa mga lokal na istasyon ng radyo o telebisyon para sa detalyadong impormasyon at maingat na sundin ang mga tagubilin. Tandaan na ang ilang nakakalason na kemikal ay walang amoy. Maaaring mag-iba ang mga tagubilin depende sa banta at panganib ng pagkakalantad. Minsan, maaaring mas ligtas na magsilungan sa loob ng iyong tahanan, sa ibang panahon ay maaaring mas ligtas na lumikas.
Kung sinabihan na lumikas:
- Kung sinabihan na lumikas, gawin ito kaagad. Upang makahanap ng pampublikong silungan, i-text ang SHELTER + ang iyong ZIP code sa 43362 upang mahanap ang pinakamalapit na silungan sa iyong lugar (halimbawa: shelter 12345).
- Agarang subukan na alamin kung aling mga lugar ang apektado o kung saan nanggagaling ang kemikal, kung maaari, at umaalis kaagad.
- Kung ang kemikal ay nasa loob ng iyong gusali, lumabas ng gusali na hindi dumadaan sa kontaminadong lugar, kung maaari.
- Kung hindi ka makalabas ng gusali o makahanap ng malinis na hangin nang hindi dumadaan sa apektadong lugar, lumayo hangga't maaari at sumilong sa lugar.
Kung sinabihang manatili sa loob:
- Dalhin ang mga alagang hayop sa loob.
- Humanap ng kanlungan sa loob ng silid. Isara at isarado ang lahat ng panlabas na pinto at bintana. Isara ang mga lagusan, mga damper ng fireplace at maraming panloob na pinto hangga't maaari. Iselyado ang silid gamit ang duct tape at plastic sheeting.
- Patayin ang mga air conditioner at mga sistema ng bentilasyon, o i-set ang mga sistema ng bentilasyon sa 100 porsiyentong recirculation upang walang hangin sa labas na makapasok sa gusali.
- Iselyado ang mga puwang sa ilalim at paligid ng mga sumunod na lugar gamit ang mga basang tuwalya, plastic sheeting, duct tape, wax paper o aluminum foil:
- Mga pintuan at bintana
- Mga air conditioning units
- Mga bentilador na nagpapalabas ng hangin (exhaust fans) sa banyo at kusina
- Mga lagusan ng stove at dryer na may duct tape at plastic sheeting
- Huminga ng mababaw sa pamamagitan ng tela o tuwalya kung ang gas o singaw ay maaaring pumasok sa gusali.
- Iwasang kumain o uminom ng anumang pagkain o tubig na maaaring kontaminado.
Kung nasa labas ka sa panahon ng insidente:
- Agarang magpasya kung ano ang pinakamabilis na paraan upang makahanap ng malinis na hangin. Lumayo kaagad, sa direksyong salungat sa pinanggalingan.
- Kung nasa sasakyan, panatilihing nakasara ang mga bintana at lagusan ng kotse at patayin ang air conditioner at heater.
- Hanapin ang pinakamalapit na gusali para sumilong sa lugar (shelter-in-place).
Pagkatapos ng Insidente
Huwag umalis sa ligtas na silungan para pumunta sa labas, pati na ang pagtulong sa iba, hanggang sabihin ng mga awtoridad na ligtas na itong gawin. Kung ikaw ay lumikas, umuwi lamang kapag sinabi ng mga awtoridad na ito ay ligtas na.
Kung ikaw ay apektado ng elemento ng kemikal at hindi kaagad available ang tulong medikal, ang pinakamahusay na aksyon ay ang pag-alis ng kontaminasyon sa iyong sarili at tulungan ang iba na gawin ito, kung maaari.
Paano ang pag-alis ng kontaminasyon:
- Tanggalin ang lahat ng damit at iba pang bagay na dumikit sa iyong katawan.
- Gupitin ang damit na karaniwang tinatanggal sa ibabaw ng ulo upang maiwasan ang pagdikit sa mga mata, ilong at bibig.
- Ilagay ang kontaminadong damit at mga bagay sa plastic bag at iselyado ang bag.
- Alisin ang salamin sa mata o contact lens. Ilagay ang mga salamin sa mata sa isang pan na may bleach upang maalis ang kontaminasyon ng mga ito at pagkatapos ay banlawan at patuyuin.
- Maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig. Kung may tinutulungan kang tao sa pag-alis ng kontaminasyon, agad na hugasan ang iyong mga kamay at iba pang nakalantad na balat pagkatapos.
- Banlawan ng tubig ang mga mata.
- Dahan-dahang hugasan ang mukha at buhok gamit ang sabon at tubig bago banlawang mabuti ng tubig.
Sa sandaling ligtas na gawin ito, tumuloy sa isang medikal na pasilidad para sa screening at propesyonal na paggamot.