U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

Https

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

A man using his phone while rolling a suitcase at a  transportation center

Mga Pag-atake sa Mga Lugar na Matatao at Pampubliko

Maghanda Bago

Maligtas Habang

Manatiling Ligtas Pagkatapos

Kaugnay na Nilalaman

Magsagawa ng mga hakbang para maghanda at protektahan ang sarili mo at tulungan ang ibang tao sakaling may pag-atake sa maraming tao.

Mga Klase ng Mga Pag-atake sa Maraming Tao

  • Mga indibiduwal na gumagamit ng maraming baril para mapatay ang maraming tao (aktibong bumabaril).
  • Mga indibiduwal na gumagamit ng sasakyan para mapatay ang maraming tao.
  • Mga indibiduwal na gumagamit ng mga bombang gawa sa bahay para mapatay ang maraming tao.
  • Maaaring ksama sa mga ibang paraan na ginagamit sa pag-atake sa maraming tao ang mga kutsilyo, apoy, drone o mga ibang sandata.

Maghanda BAGO

Image
A woman points out a suspicious package to a police officer.
  • Manatiling alerto. Laging alamin ang kapaligrian mo at anumang mga posibleng panganib.
  • Kung may makita ka, magsalita sa mga lokal na awtoridad. Kasama dito ang mga kahina-hinalang pakete, mga taong kakaiba ang kilos o taong gumagamit ng kakaibang komunikasyon.
  • Obserbahan ang mga babalang senyales. Maaaring kasama ng mga senyales ang kakaiba o marahas na komunikasyon, pang-aabuso sa sangkap, pinahiwatig na galit o paglalayong makasakit. Ang mga babalang senyales na ito ay maaaring madagdagan sa paglipas ng panahon.
  • Magkaroon ng plano sa paglabas. Kilalanin ang mga labasan at lugar na tataguan saan ka man pupunta, kasama ang trabaho, paaralan at mga espesyal na kaganapan.
  • Matuto ng mga kakayahan sa pagligtas ng buhay. Dumalo sa mga pagsasanay tulad ng Ikaw Ang Tulong Hanggang Dumating Ang Tulong at paunang lunas para tulungan ang nasugatan bago dumating ang tulong.

Maligtas HABANG: Tumakbo, Magtago, Lumaban

Image
Illustration of a woman hiding under a desk, behind a barricaded door, on her phone texting.

Tumakbo sa Kaligtasan

  • Hanapin ang kaligtasan. Pangunahing priyoridad ang paglayo sa umaatake.
  • Iwanan ang mga pag-aari mo at lumayo.
  • Tumawag sa 9-1-1 kapag ligtas ka at ilarawan ang umaatake, lokasyon at mga sandata.

Magtakip at Magtago

  • Magtakip at magtago kung hindi ka makakalikas. Maghanap ng lugar na tataguan na hindi ka makikita ng umaatake at maglagay ng solidong hadlang sa pagitan mo at ang banta kung posible.
  • Ikandado at harangan ang mga pintuan, isara ang blinds at i-off ang mga ilaw.
  • Manating tahimik.

Depensahan, Abalahin, Lumaban

  • Lumaban lang bilang huling magagawa. Kapag hindi ka makakatakbo o makakapagtakip, magtangkang abalahin ang pag-atake o alisan ng kakayahan ang umaatake.
  • Maging agresibo at panindigan ang mga pagkilos mo.
  • I-recruit ang ibang tao para ma-ambush ang umaatake gamit ang mga ginawang sandata tulad ng mga silya, fire extinguisher, gunting, libro, atbp.
  • Maghandang magdulot ng malala o nakamamatay na pinsala sa umaatake.

Tulungan ang Nasugatan

  • Asikasuhin muna ang sarili mo at pagkatapos, kung kaya mo, tulungan ang nasugatang makapunta sa kaligtasan at maglaan ng agarang pag-aalaga. Tumawag sa 9-1-1 kapag ligtas na magawa mo.

Manatiling Ligtas PAGKATAPOS

Kapag Dumating ang Nagpapatupad ng Batas

  • Manatiling kalmado at sumunod sa mga tagubilin.
  • Panatiliing nakikita at walang laman ang mga kamay.
  • Mag-ulat sa mga designadong lugar para magbigay ng impormasyon at makakuha ng tulong.
  • Sundin ang mga tagubilin ng nagpapatupad ng batas at lumikas sa direksiyon na sinabi nilang puntahan mo. Makinig sa pagpapatupad ng batas para sa impormasyon tungkol sa sitwasyon. Magbahagi ng mga update na kaya mo sa pamilya at mga kaibigan.

Pag-isipang Humingi ng Propesyonal na Tulong

alert - info

Asikasuhin ang kalusugan ng pag-iisip mo. Kung kailangan, humingi ng tulong para sa iyo at sa pamilya mo para makayanan ang trauma.

Kaugnay na Nilalaman

Last Updated: 11/01/2022

Return to top