Alamin ang Pangunang Lunas at CPR
Kumuha ng klase sa pangunang lunas at CPR. Makakakuha ka ng higit pang impormasyon tungkol sa pagsasanay mula sa iyong lokal na American Red Cross chapter. Ang pagiging sertipikado ay nagpoprotekta sa iyo sa ilalim ng mga batas ng Good Samaritan kung kailangan mong magbigay ng pangunang lunas.
Kumuha ng higit pang impormasyon tungkol sa supplies ng kit para sa pangunang lunas.
Matutong Gumamit ng Pamatay-Sunog (Fire Extinguisher)
Magkaroon ng kahit isang up-to-date na pamatay-sunog (fire extinguisher) at ipaalam sa lahat ng iyong sambahayan kung saan ito itinatago at kung paano ito gamitin. Dapat ay mayroon kang minimum na isang uri ng ABC.
Sinasabi ng U.S. Fire Administration na dapat ka lang gumamit ng pamatay-sunog (fire extinguisher) kung nasanay ka na sa wastong paggamit at pagpapanatili nito. Makipag-ugnayan sa iyong lokal na departamento ng bumbero para sa impormasyon tungkol sa pagsasanay sa iyong lugar. Kumuha ng higit pang impormasyon tungkol sa paghahanda para sa pang-emerhensiya na sunog.
Alamin Kung Paano Patayin ang mga Utilities
Natural Gas
Ang mga pagtagas ng natural na gas at pagsabog ay nagdudulot ng malaking bilang ng sunog pagkatapos ng mga sakuna. Mahalagang alam ng lahat ng miyembro ng sambahayan kung paano patayin ang natural gas.
Mayroong iba't ibang mga pamamaraan sa pagsasara ng gas para sa iba't ibang mga pagsasaayos ng metro ng gas, kaya mahalagang tawagan ang iyong kumpanya ng gas. Matutulungan ka nila na maghanda para sa mga kagamitan sa gas at serbisyo ng gas sa iyong tahanan sakaling magkaroon ng emerhensiya.
Tiyaking alam ng lahat sa iyong sambahayan ang wastong pamamaraan ng pagsasara para sa iyong metro. Huwag aktwal na patayin ang gas kapag nagsasanay na patayin ito.
- Kung nakaaamoy ka ng gas o nakarinig ng pag-ihip o pagsirit, buksan ang bintana at palabasin ang lahat kaagad. Patayin ang gas gamit ang panlabas na pangunahing balbula kung maaari at tawagan ang kumpanya ng gas mula sa bahay ng kapitbahay.
- Babala: Kung papatayin mo ang gas sa anumang kadahilanan, tanging isang kwalipikadong propesyonal lamang ang makakapag-on nitong muli. HUWAG mong subukan sa iyong sarili na ibalik ang gas.
Tubig
Ang tubig ay biglang nagiging mahalagang mapagkukunan pagkatapos ng maraming kalamidad. Mahalagang matutunan ng lahat sa iyong sambahayan kung paano isara ang pangunahing balbula ng tubig sa bahay.
- Hanapin ang shut-off valve para sa pangunahing linya ng tubig na pumapasok sa iyong bahay at i-tag ito para sa madaling pagkakakilanlan. Tiyaking alam ng lahat sa iyong sambahayan kung nasaan ito.
- Siguraduhing maisara mo nang kumpleto ang balbula. Ang iyong balbula ay maaaring kalawangin na bukas o maaaring hindi ito tuluyang sumara. Kung gayon, palitan ito.
- Ang mga basag na linya ay maaaring makadumi sa supply ng tubig sa iyong bahay. Magandang ideya na patayin ang iyong tubig hanggang sa sabihin ng mga awtoridad na ligtas na itong inumin.
Ang mga epekto ng gravity ay maaaring maubos ang tubig sa iyong tangke na nagpapainit ng tubig at mga banyo maliban kung i-trap mo ito sa iyong bahay sa pamamagitan ng pagsasara ng main house valve. (Hindi ito ang balbula ng kalye sa kahon ng semento sa gilid ng curb – ang balbula ng kalye ay napakahirap paikutin at nangangailangan ng isang espesyal na tool.)
Kuryente
Ang mga pag-spark ng kuryente ay maaaring magpasiklab ng natural na gas kung ito ay tumutulo. Turuan ang lahat ng responsableng miyembro ng sambahayan kung paano patayin ang kuryente.
- Hanapin ang iyong electrical circuit box. Para sa iyong kaligtasan, palaging patayin ang lahat ng mga indibidwal na circuit bago isara ang pangunahing circuit.
Kaugnay na Nilalaman
- Toolkit para sa Kasanayan ng Pagsalba ng Buhay (Link)
- Anim na mga Bagay na Dapat Malaman Bago Pa ang Sakuna (Bidyo)