Ang kanlungan ay angkop kapag ang mga kondisyon ay nangangailangan na humingi ka ng proteksyon sa iyong tahanan, kung saan ka nagtatrabaho o iba pang lokasyon kapag may iba pang mga emergency. Maaaring maikli ang tagal ng panahon na kailangan mong sumilong, gaya ng babala ng buhawi, o sa oras ng pandemya. Sa lahat ng kaso, mahalagang manatiling may kaalaman at sundin ang mga tagubilin galing sa mga lokal na awtoridad.
Sa mga pinahabang panahon ng pagsisilungan, kakailanganin mong pamahalaan ang mga suplay ng tubig at pagkain upang matiyak na ikaw at ang iyong pamilya ay mayroon ng kung ano ang kailangan mong makuha. Magbasa ng higit pa tungkol sa pamamahala ng tubig at pamamahala ng pagkain.
Ang pagpili na sumilong ay kinakailangan sa maraming emergency. Ito ay maaaring mangahulugang: Manatili sa Bahay, Pagpunta sa Silungan ng Maramihang Pangangalaga, o Pagsilong sa Lugar. Narito ang pagkakaiba:
Manatili sa Bahay
- Manatili sa loob ng bahay hangga't maaari at subukang umalis lamang sa iyong tahanan kung kinakailangan. Maaari mo pa ring gamitin ang mga panlabas na espasyo tulad ng mga patyo, beranda at bakuran.
- Ang mga aktibidad sa labas tulad ng paglalakad, pag-jogging at pag-eehersisyo ay mainam kung nagsasagawa ka ng social distancing (pagpapanatili ng anim na talampakang layo mula sa ibang tao).
- Kapag nasa labas, subukang huwag hawakan ang anumang bagay (mga light signal, poste, karatula, kagamitan sa palaruan, bangko, atbp.) dahil ang coronavirus ay ppwedeng manatili sa ilang partikular na ibabaw sa loob ng maraming oras.
- Ang mahahalagang serbisyo tulad ng pamimili ng grocery, gasolinahan, parmasya at pagpunta sa Opisina ng Koreo ay mainam pa ring gawin.
- Limitahan ang mga bisita kung pwede. Subukang gumamit ng video chat. Tawagan ang mga taong normal mong katext.
- Para sa pinakabagong impormasyon sa mga tip sa kaligtasan ng pagkain na nauugnay sa COVID-19 bumisita sa pahina ng U.S. Food & Drug Administration Consumer.
Silungan ng Maramihang Pangangalaga
Ang mga silungan ng maramihang pangangalaga ay nagbibigay ng mga serbisyong nagpapanatili sa buhay ng mga nakaligtas sa sakuna. Kahit na ang mga silungan ng maramihang pangangalaga ay kadalasang nagbibigay ng tubig, pagkain, gamot at mga pangunahing pasilidad sa kalusugan, dapat mong planuhing dalhin ang iyong emergency supply kit para magkaroon ka ng mga suplay na kailangan mo. Ang silungan ng maramihang pangangalaga ay maaaring mamuhay ka nang may maraming taong kasama sa isang limitadong espasyo, na maaaring maging mahirap at hindi kasiya-siya.
- Tingnan sa mga lokal na opisyal tungkol sa kung anong mga espasyon ng tirahan ang available. Maaaring nabago ng Coronavirus ang mga plano ng iyong komunidad.
- Maging handa na magdala ng mga gamit panlinis tulad ngmga telang mask (para sa sinumang may edad 2 pataas), sabon, hand sanitizer, pang-disimpektang wipe o mga panlahat na kagamitan sa paglilinis ng sambahayan upang disimpektahin ang mga ibabaw.
- Panatilihin ang hindi bababa sa 6 na talampakan ng espasyo sa pagitan mo at ng mga taong hindi mo malapit na pamilya.
Maghanap ng mga bukas na silungan sa pamamagitan ng pag-text sa SHELTER at ang ZIP code sa 43362. Halimbawa: Shelter 01234 (nalalapat ang mga karaniwang singil).
Matuto nang higit pa sa pamamagitan ng pagbisita sa: http://www.disasterassistance.gov/.
Pagsilong sa Lugar
Nasa bahay ka man, trabaho o saanman na madalas mong pinupuntahan, pwedeng may mga sitwasyon kung kailan pinakamahusay na manatili kung nasaan ka at maiwasan ang anumang kawalan ng katiyakan sa labas.
Narito ang ilang tagapagpahiwatig at hakbang na dapat gawin kung lumitaw ang sitwasyon:
- Gumamit ng isip at available na impormasyon upang suriin ang sitwasyon at matukoy kung may agarang panganib.
- Kung makakita ka ng mataas na bilang ng mga labi sa hangin, o kung sinabi ng mga lokal na awtoridad na ang hangin ay nahawahan nang husto, maaari mong gawin ang ganitong uri ng pagkilos.
Narito ang ilang tip para sa pagsilong sa lugar:
- Maaaring hindi kaagad makapagbigay ng impormasyon ang mga lokal na awtoridad sa kung ano ang nangyayari at kung ano ang dapat mong gawin.
- Manood ng TV at makinig sa radyo o tingnan ang Internet nang madalas para sa opisyal na balita at mga tagubilin kapag available na ang mga ito.
- Dalhin ang iyong pamilya at mga alagang hayop sa loob.
- I-lock ang mga pinto, isara ang mga bintana, lagusan ng hangin at damper ng pausukan.
- Patayin ang mga bentilador, airkon at sapilitang sistema ng pagpainit ng hangin.
- Dalhin ang iyong emergency supply kit maliban kung mayroon kang dahilang maniwala na ito ay kontaminado.
- Pumunta sa isang panloob na silid na may kakaunting bintana kung maaari.
- Selyuhan ang lahat ng bintana, pinto at lagusan ng hangin gamit ang makapal na plastic na pantakip at duct tape. Ikonsidera ang pagsukat at pagputol ng pantakip nang mas maaga upang makatipid ng oras.
- Gupitin ang plastic na pantakip ng ilang pulgadang mas malawak kaysa sa mga bukas at lagyan ng label ang bawat sheet.
- I-duct tape muna ang plastic sa mga sulok at pagkatapos ay i-tape ang lahat ng mga gilid.
- Maging handa na mgumawa agad at gamitin kung ano ang mayroon ka upang isara ang mga espasyo upang makagawa ka ng hadlang sa pagitan mo at ng anumang kontaminasyon.
Itinuturing na pansamantalang proteksiyon ang "pagse-selyo ng kwarto" upang lumikha ng hadlang sa pagitan mo at ng posibleng kontaminadong hangin galing sa labas. Ang ganitong uri ng silungan sa lugar ay nangangailangan ng paunang pagpaplano, sa pamamagitan ng pagbili ng plastic na pantakip at duct tape na itatago mo sa iyong emergency supply kit.