Ang mga sakuna ay magastos ngunit ang paghahanda para sa mga ito ay hindi dapat. Sa katunayan, ang paglalaan ng oras upang maghanda ngayon ay makatutulong na makatipid sa iyo ng libu-libong dolyar at makapagbibigay sa iyo ng kapayapaan ng isip kapag naganap ang susunod na sakuna o emerhensiya.
Gawin ang mga simpleng hakbang na ito ngayon para mas maging handa sa anumang sakuna o emerhensiya na may kaunti o walang gastos.
Magsimula Ngayon
- Alamin kung anong uri ng mga sakuna at emerhensiya ang pinakakaraniwan sa lugar na iyong tinitirhan.
- Lumikha ng iyong plano sa pang-emerhensiyang komunikasyon. Gamitin ang aming libreng template upang madaling mag-rekord ng mahalagang kontak at medikal na impormasyon tungkol sa iyong pamilya, na maaari mong ibahagi sa iba at mag-imbak ng mga digital na kopya at sa papel.
- Tiyaking nag-iimbak ka ng mahahalagang numero ng telepono sa ibang lugar maliban sa iyong cell phone.
- Mag-sign up para sa mga alertong pang-emerhensiya sa iyong lugar upang makatanggap ng impormasyong nagliligtas-buhay mula sa iyong estado at lokal na munisipalidad.
- I-download ang FEMA App (available sa Ingles at Espanyol) para makatanggap ng alerto sa panahon, tips sa kaligtasan at mga paalala at maging handa sa hindi inaasahang pangyayari.
- Buuin ang iyong supply kit na pang-emerhensiya sa paglipas ng panahon. Magsimula sa mga bagay na maaaring mayroon ka na sa iyong tahanan, tulad ng flashlight, mga esktra na baterya, mga kopya ng mahahalagang dokumento, tubig at hindi nabubulok na pagkain. Kapag pumunta ka sa grocery store, maaari kang pumili ng ekstrang bagay bawat punta mo na regular mong ginagamit, lalo na kung ito ay naka-sale! Ang mga food banks sa komunidad ay isang potensyal na mapagkukunan para sa mga pamilyang walang katiyakan sa pagkain upang mai-stock ang kanilang mga supply kit na pang-emerhensiya.
- Makipag-usap sa pamilya o mga miyembro ng iyong sambahayan tungkol sa kung saan ka pupunta kung sasabihing lumikas. Makakatulong sa iyo ang pagkakaroon ng plano bago dumating ang sakuna upang makatipid ng mahalagang oras at pera.
- Mag-imbak ng mga mahahalagang dokumento at bagay tulad ng mga pasaporte, birth certificate, mapa at electronics sa isang lugar na ligtas sa baha tulad ng mataas na istante o nasa itaas na palapag sa mga resealable na plastic bag na hindi tinatablan ng tubig upang matulungan ang mga ito na hindi tinatablan ng tubig. Mag-imbak ng mga mahalagang dokumento tulad ng mga insurance policy sa digital.
- Makipag-ugnayan sa iyong lokal na departamento ng bumbero. Maaaring mayroon silang mga programa na nagbibigay ng mga detektor ng sunog o carbon monoxide.
- Check online for free or discounted CPR courses offered near you.
- Bisitahin ang Floodsmart.gov upang malaman ang antas ng panganib sa baha sa iyong lugar.
- I-download ang libreng mapagkukunan sa paghahanda .
Tukoy na Panganib
Mga Lindol
- Magsagawa ng regular ng Dumapa, Magtakip, at Humawak kasama ang iyong pamilya.
- I-angkla ang mabibigat na bagay tulad ng muwebles o appliances sa dingding. I-secure ang mga marupok o mabibigat na bagay.
- Kung nakatira ka sa tsunami zone, alamin ang ligtas na lugar kung may na -issue na pagbanbantay o babala.
Malalaking Sunog (Wildfires)
- Gumawa ng safety zone na mga 30 hanggang 100 na talampakan sa paligid ng iyong tirahan.
- Panatilihing na-hydrated nang mabuti ang mga damo, halaman at iba pang mga halaman sa paligid ng iyong tirahan.
- Panatilihing malinis ang iyong bubong at mga kanal mula sa mga pira-pirasong basura (debris).
Mga Bagyo (Hurricanes)
- Panatilihing walang natural na mga pira-pirasong basura (debris) o basura sa bakuran ang lugar sa paligid kung saan ka nakatira na maaaring makuha ng malakas na hangin at magdulot ng pinsala.
- Kung nakatira ka sa isang evacuation zone at kailangan mo ng tulong sa paglikas, makipag-ugnayan sa iyong lokal na manager sa emerhensiya ngayon upang makita kung anong mga mapagkukunan at tulong ang available sa iyong lugar.
- Alisin ang mga pira-pirasong basura (debris) sa mga gutters at kanal.
Mga Sunog sa Bahay
- Gumawa at mag-ensayo ng plano sa pagtakas sa sunog sa iyong tinitirhan.
- Turuan ang mga bata na huwag magtago sa mga bumbero.
- Tiyaking makakadaan ka sa mga pintuan at labasan kung gumagamit ka ng walker o wheelchair.