Tips para sa Pagkawala ng Kuryente
Sa Panahon ng Pagkawala ng Kuryente
Pangkaligtasan para sa Generator
Pagkatapos ng Pagkawala ng Kuryente
Kaugnay na Nilalaman
Ang pinalawig na pagkawala ng kuryente ay maaaring makaapekto sa buong komunidad at ekonomiya. Ang pagkawala ng kuryente ay kapag ang kuryente ay namatay nang hindi inaasahan.
Ang pagkawala ng kuryente ay maaaring:
- Makagambala sa komunikasyon, tubig at transportasyon.
- Isara ang mga negosyong tindahan, pamilihan, estasyon ng gas, ATM, bangko at iba pang serbisyo.
- Magdulot ng pagkasira ng pagkain at kontaminasyon ng tubig.
- Makahadlang sa paggamit ng mga medikal na aparato.
Tips para sa Pagkawala ng Kuryente
- Panatilihing nakasara ang mga freezer at refrigerator.
- Gumamit ng generator, ngunit sa labas LAMANG at malayo sa mga bintana.
- Huwag gumamit ng gas stove o oven upang painitin ang inyong tahanan.
- Idiskonekta ang mga appliances at electronics upang maiwasan ang pinsala mula sa mga pagbugso ng kuryente.
- Magkaroon ng mga alternatibong plano para sa pagpapalamig ng mga gamot o paggamit ng mga aparatong medikal na umaasa sa kuryente.
- Magtanong sa mga lokal na opisyal tungkol sa mga pagpapainit at pagpapalamig na lokasyon na bukas malapit sa inyo.
Paano Protektahan ang Inyong Sarili sa Panahon ng Pagkawala ng Kuryente
Pumunta sa lokasyon ng komunidad na may kuryente kung matindi ang init o lamig.
Paghahanda para sa Pagkawala ng Kuryente
Mag-imbentaryo ng mga bagay na kailangan ninyo na umaasa sa kuryente. Magplano ng mga baterya at iba pang alternatibong pinagmumulan ng kuryente upang matugunan ang inyong mga pangangailangan kapag nawalan ng kuryente, gaya ng portable charger o power bank. Magkaroon ng mga flashlight para sa bawat miyembro ng sambahayan. Alamin kung gagana ang inyong telepono sa bahay kapag nawalan ng kuryente at kung gaano katagal ang pag-back up ng baterya.
Alamin ang Inyong Medikal na Pangangailangan
Makipag-usap sa inyong medikal na tagapagkaloob tungkol sa plano sa pagkawala ng kuryente para sa mga medikal na aparato na pinapagana ng kuryente at mga gamot na pinalamig. Alamin kung gaano katagal maiimbak ang gamot sa mas mataas na temperatura at kumuha ng partikular na patnubay para sa anumang mga gamot na mahalaga sa buhay.
Paggamit ng Mga Appliances sa Panahon ng Pagkawala ng Kuryente
Mag-install ng mga carbon monoxide detector na may backup ng baterya sa mga sentral na lokasyon sa bawat antas ng inyong tahanan. Iwasan ang pagkalason sa carbon monoxide. Ang mga generator, camp stove o charcoal grill ay dapat palaging gamitin sa labas at hindi bababa sa 20 talampakan ang layo mula sa mga bintana. Huwag gumamit ng gas stovetop o oven upang painitin ang inyong tahanan. Patayin o idiskonekta ang mga appliances, kagamitan, o mga elektroniko. Maaaring bumalik ang kuryente nang may mga panandaliang pagbugso o spike na maaaring magdulot ng pinsala.
Imbakan ng Pagkain
Magkaroon ng sapat na pagkain at tubig na hindi nabubulok. Panatilihing nakasara ang mga freezer at refrigerator. Ang refrigerator ay magpapalamig ng pagkain sa loob ng halos apat na oras. Ang isang buong freezer ay magpapanatili ng temperatura ng humigit-kumulang 48 oras. Gumamit ng mga cooler na may yelo kung kinakailangan. Subaybayan ang mga temperatura gamit ang isang termometro. Itapon ang pagkain kung ang temperatura ay 40 degrees o mas mataas.
Pangkaligtasan para sa Generator
Maaaring makatulong ang mga generator kapag nawalan ng kuryente. Mahalagang malaman kung paano gamitin ang mga ito nang ligtas upang maiwasan ang pagkalason sa carbon monoxide (CO) at iba pang mga panganib.
- Ang mga generator at gasoline (fuel) ay dapat palaging gamitin sa labas at hindi bababa sa 20 na talampakan ang layo mula sa mga bintana, pinto at mga nakadikit na garahe.
- Mag-install ng gumaganang carbon monoxide detector sa bawat antas ng iyong tahanan. Ang carbon monoxide ay walang kulay, walang amoy na gas na maaaring pumatay sa iyo, sa iyong pamilya at mga alagang hayop.
- Panatilihing tuyo ang generator at protektado mula sa ulan o pagbaha. Ang pagpindot sa basang generator o mga device na konektado sa isa ay maaaring magdulot ng ma-electrical shock.
- Palaging ikonekta ang generator sa mga appliances na may heavy-duty na extension cord.
- Hayaang lumamig ang generator bago maglagay ng gasolina ulit nito. Ang gasolina na natapon sa mainit na bahagi ng makina ay maaaring mag-apoy.
- Sundin ang mga tagubilin ng tagagawa (manufacturer) nang maingat.
Pagbabalik Pagkatapos ng Pagkawala ng Kuryente
- Kapag may pagdududa, itapon ito! Itapon ang anumang pagkain na nalantad sa temperaturang 40 degrees o mas mataas sa loob ng dalawang oras o higit pa, o may hindi pangkaraniwang amoy, kulay o pagsalat.
- Kung nawalan ng kuryente nang higit sa isang araw, itapon ang anumang gamot na dapat ilagay sa refrigerator, maliban kung iba ang sinasabi ng tatak ng gamot. Kumonsulta kaagad sa inyong doktor o parmasyutiko para sa bagong suplay.