U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

Https

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

An area devastated by a tsunami.

Tsunamis

world globe

Maghanda Ngayon

Makaligtas Habang Nangyayari

Maging Ligtas Pagkatapos

Nauugnay na Nilalaman

Ang tsunami ay makasunod-sunod na napakalaking alon sa karagatan dulot ng mga lindol, pagguho ng lupa sa ilalim ng dagat, pagsabog ng bulkan o mga asteroid. Ang tsunami ay maaaring pumatay o makapinsala sa mga tao at makapinsala o makasira ng mga gusali at imprastraktura habang pumapasok at lumalabas ang mga alon. Ang tsunami ay maaaring:

feature_mini img

Maglakbay ng 20-30 na milya kada oras na may mga alon na 10-100 na talampakan ang taas.

feature_mini img

Magdulot ng pagbaha at makagambala sa transportasyon, kuryente, komunikasyon at supply ng tubig.

feature_mini img

Nangyayari kahit saan sa mga baybayin ng U.S. Ang mga baybayin na nasa hangganan ng Pacific Ocean o Caribbean ay may pinakamalaking panganib.

KUNG IKAW AY NASA ILALIM NG BABALA NG TSUNAMI:

  • Kung sanhi ng lindol, Dumapa, Magtakip, at Humawak upang maprotektahan mo ang iyong sarili mula sa lindol.
  • Pumunta sa matataas na lugar ng lupa hangga't maaari.
  • Maging alerto sa mga senyales ng tsunami, tulad ng biglaang pagtaas o pag-aalis ng tubig sa karagatan.
  • Makinig sa pang-emerhensiyang impormasyon at alerto. Palaging sumunod sa mga tagubilin mula sa lokal na tagapamahala ng emerhensiya.
  • Lumikas:  HUWAG maghintay! Umalis sa sandaling makakita ka ng mga natural na senyales ng tsunami o nakatanggap ng opisyal na babala sa tsunami.
  • Kung ikaw ay nasa bangka, pumunta sa dagat.

Maghanda NGAYON

Image
Illustration of a tsunami wave nearing a house.
  • Alamin ang mga senyales ng isang potensyal na tsunami, tulad ng lindol, malakas na dagundong mula sa karagatan, o hindi pangkaraniwang pag-uugali ng karagatan, tulad ng biglaang pagtaas o pader ng tubig o biglaang pag-aalis ng tubig na nagpapakita sa sahig ng karagatan.
  • Alamin at isagawa ang mga plano sa paglikas ng komunidad. Ang ilang mga komunidad na nasa panganib ay may mga mapa ng mga zone sa paglikas at ruta. I-mapa ang iyong mga ruta mula sa bahay, trabaho at libangan. Pumili ng mga silungan (shelter) na 100 na talampakan o higit pa sa ibabaw ng dagat, o hindi bababa sa isang milya sa lupa (inland).
  • Gumawa ng plano sa komunikasyong pang-emerhensiya ng pamilya na mayroong kontak sa labas ng estado. Magplano kung saan magkikita kung magkakahiwalay kayo.
  • Mag-sign up para sa sistema ng babala ng iyong komunidad. Ang Emergency Alert System (EAS) at National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) Weather Radio ay nagbibigay din ng mga alertong pang-emerhensiya.
  • Isaalang-alang ang insurance para sa lindol at insurance policy sa baha sa pamamagitan ng National Flood Insurance Program (NFIP). Ang karaniwang homeowner's insurance ay hindi sumasaklaw sa pinsala ng baha o lindol.

Makaligtas HABANG NANGYAYARI

Image
Illustration of a person dropping to the ground, covering their head with their hands, and crawling under a table and holding on to it.
  • Kung may lindol at ikaw ay nasa lugar ng tsunami, protektahan muna ang iyong sarili mula sa lindol. Dumapa, Magtakip, at Humawak. Ibaba ang iyong mga kamay at tuhod. Takpan ang iyong ulo at leeg gamit ang iyong mga braso. Kumapit sa anumang matibay na kasangkapan hanggang sa tumigil ang pagyanig. Gumapang lang kung maabot mo ang mas magandang takip, ngunit huwag dumaan sa lugar na may mas maraming debris.
  • Kapag huminto na ang pagyanig, kung may mga natural na senyales o opisyal na babala ng tsunami, lumipat kaagad sa isang ligtas na mataas na lugar at sa malayong lugar hangga't maaari. Makinig sa mga awtoridad, ngunit huwag maghintay ng mga babala sa tsunami at mga utos sa paglikas.
  • Kung ikaw ay nasa labas ng tsunami hazard zone at nakatanggap ng babala, manatili kung nasaan ka maliban nalang kung iba ang sasabihin sa iyo ng mga opisyal.
  • Umalis kaagad kung sasabihin sa iyo na gawin ito. Ang mga ruta ng paglikas ay madalas na minarkahan ng alon na may arrow sa direksyon ng mas mataas na lugar.
  • Kung ikaw ay nasa tubig, humawak sa isang bagay na lumulutang, tulad ng balsa o katawan ng kahoy.
  • Kung ikaw ay nasa bangka, harapin ang direksyon ng mga alon at tumuloy sa dagat. Kung ikaw ay nasa isang daungan, pumunta patungo sa lupa (inland).

Maging Ligtas PAGKATAPOS

Image
Illustration of a hand holding a smart phone with text messages on it.
  • Makinig sa mga lokal na alerto at awtoridad para sa impormasyon sa mga lugar na dapat iwasan at silungan.
  • Ipagpaliban ang mga pagtawag sa telepono para sa mga emerhensiya. Madalas na hindi gumagana o abala ang mga sistema ng telepono pagkatapos ng kalamidad. Gumamit ng mga text message o social media upang makipag-usap sa pamilya at mga kaibigan.
  • Iwasang tumawid sa tubig baha, na maaaring maglaman ng mga mapanganib na pira-pirasong basura (debris). Ang tubig ay maaaring mas malalim kaysa sa nakikita.
  • Magkaroon ng kamalayan sa panganib ng pagkakakuryente. Ang mga linya ng kuryente sa ilalim ng lupa o nahulog na kuryente ay maaaring ma-charge ang tubig sa kuryente. Huwag hawakan ang mga de-koryenteng kagamitan kung ito ay basa o kung ikaw ay nakatayo sa tubig.
  • Lumayo sa mga nasirang gusali, kalsada at tulay.
  • Kung ikaw ay nasugatan o nagkasakit at nangangailangan ng medikal na atensyon, makipag-ugnayan sa iyong healthcare provider at tirahan sa lugar, kung maaari. Tumawag sa 9-1-1 kung nakakaranas ka ng medikal na emerhensiya.
  • Idokumento ang pinsala sa ari-arian gamit ang mga litrato. Magsagawa ng imbentaryo at makipag-ugnayan sa iyong kompanya ng insurance para sa tulong.

Nauugnay na Nilalaman

Last Updated: 02/10/2023

Return to top