Paano gagamitin ang toolkit na ito
Itong toolkit sa pagiging handa ay naglalaman ng mga mensahe na maaari mong ibahagi sa iyong pamilya at mga kaibigan at sa pamamagitan ng iyong social media. Maaari mong kopyahin nang diretsahan ang mga mensaheng ito o baguhin ang mga ito.
Ano ang dapat mong malaman tungkol sa pagiging handa
Ang pakikipag-usap tungkol sa mga masamang bagay na maaaring mangyari tulad ng isang sakuna o emerhensiya ay hindi palaging madali. Maaari nating isipin na tayo'y pumoprotekta sa mga taong mahal natin sa pamamagitan ng hindi pakikipag-usap tungkol dito, pero ang mga ito ay mahalaga upang magsimulang kumilos sa paghanda at pagpanatili sa kaligtasan.
Ang pagsisimula sa usapan ngayong araw ay maaaring makatulong sa iyo at iyong pamilya na kumilos nang higit pa upang maghanda. Sa ilang simpleng hakbang, maaari mong palaguin ang iyong pagiging handa sa iyong sariling kakayahan.
- Magtakda ng panahon kung saan ang lahat ng tao ay kalmado at mahinahon.
- Maaaring makatulong ang pag-uusap sa isang takdang panahon, upang hindi madalian ang pagpapasiya, at ang mga tao ay magiging mas maalwan sa pakikipag-usap sa paksang iyon.
- Pag-usapan ang mga hakbang na iyong nagawa upang maghanda at ganyakin ang ibang tao na magtanong tungkol sa mga kilos para sa pagiging handa na maaari nilang gawin.
Matutong Protektahan ang Iyong Sarili at Iyong Pamilya mula sa Emerhensiya at mga Sakuna
Hanapin ang impormasyon at mga tip kung papaano protektahan ang iyong sarili at iyong pamilya bago, habang, at pagkatapos ng mga emerhensiya at sakuna sa pagbibisita sa Mga Sakuna at Emerhensiya | Ready.gov. Ang impormasyon sa mga panganib tulad ng mga baha, matinding init, mga napakalaking sunod at iba pa ay mababasa sa iba't ibang wika. Nagtatampok din ang pahina ng impormasyon tungkol sa mga alertong pang-emerhensiya, papaano gumawa ng isang planong pang-emerhensiya at iba pa.
Mga Graphic at Publikasyon sa Pagiging Handa
I-download ang mga graphic sa pangkalahatan na pagiging handa sa Tagalog
Idadagdag ang mga karagdagang publikasyon sa darating na panahon. Tingnan muli sa susunod na mga araw sa buwang ito.
Pagda-download ng mga Publikasyon
Nagbigay ang FEMA ng mga Ready Campaign na publikasyon at materyales upang libreng ma-download ng publiko ang mga ito. Maaaring kopyahin ng mga indibidwal o organisasyon ang mga materyales na ito upang matulungang lumawak ang saklaw ng kritikal na impormasyong ito.
Mga Estipulasyon sa Paggamit sa Muling Paglimbag
Sa pagkokopya ng publikasyon, sumasang-ayon ka sa mga sumusunod:
- Ang mga nilalaman, mga larawan, mga graphic at mga pigura ay hindi babaguhin sa kahit anumang paraan.
- Hindi dapat gagamitin o ipapakita ang mga materyales sa kahit anumang paraan kung saan maipahiwatig na ang Federal Emergency Management Agency o ang pamahalaan ng Estados Unidos ay nag-eendorso sa mga produkto at serbisyo ng iyong kompanya.
Listahan ng Pang-emerhensiyang Suplay sa Tagalog