Ang pagiging handa kapag may emergency ay hindi lamang tungkol sa pananatiling ligtas sa panahon ng bagyo o sakuna. Tungkol din ito sa kung paano manatiling komportable, malinis, may makakain, at malusog sa dakong huli—kapag nawalan ng kuryente nang dahil sa bagyo o sakuna.
Kung nawalan ka ng kuryente, paano ka kakain? Hindi mapapanatiling malamig ng refrigerator ang iyong pagkain. Hindi magagamit ang microwave para makapagpainit ng mga bagay-bagay. Maaaring hindi ka makakuha ng malinis na tubig mula sa iyong mga gripo. Paano mo malalaman kung ligtas na bang maglaro sa labas? Hindi mula sa iyong TV o computer!
Kung walang kuryente, maaaring hindi ka rin makapunta sa tindahan o sa bangko. Ang ibig sabihin ng pagiging handa ay ang pagkakaroon ng sarili mong pagkain, tubig, pera, at iba pang supply na tatagal nang hindi bababa sa tatlong araw, at posibleng mas matagal pa kung ikaw ay nasa malayo o mahirap maabot na lugar.
Maglaro ng Game na Bumuo ng Kit
Nasa misyon ka--hanapin ang kailangan mo at bumuo ng kit na pang-emergency! Pipiliin mo ba ang mga tamang item?
Ano ang dapat ilagay sa iyong kit?
Tandaan na ang iyong kit ay depende sa sarili mong mga pangangailangan. Sa sandaling tingnan mo ang mga pangunahing bagay, isaalang-alang kung anong mga natatanging pangangailangan ng iyong pamilya, tulad ng mga supply para sa mga alagang hayop o matatanda. Gamitin ang listahan sa ibaba upang makapagsimula:
- Tubig—kahit isang galon bawat tao, kada araw
- Pagkaing hindi agad nabubulok (tulad ng pinatuyong prutas, peanut butter, o mga energy bar)
- Kit para sa pangunang lunas
- Pera
- Mga iniresetang gamot
- Mga karagdagang baterya o alternatibong pinagmumulan ng kuryente
- Mga posporo na nasa loob ng lalagyang hindi tinatagusan ng tubig (pahintulutang tumulong ang isang nasa hustong gulang)
- Toothbrush, toothpaste, sabon
- Mga platong gawa sa papel, plastik na baso at kagamitan, paper towel
- De-baterya o hand-cranked na radyo
- Sleeping bag o mainit na kumot para sa bawat tao
- Mga flashlight
- Pito para sa paghingi ng tulong
- Pambukas ng lata (mano-mano)
- Mga lokal na mapa
- Mga supply para sa alagang hayop at gabay na hayop
- Mga supply para sa sanggol (formula, diaper, atbp.)
- Dagdag na pares ng mga salamin sa mata
Mga Mapagkukunang Maaaring I-download
Maghanap ng mga checklist na maaaring i-print at simulan ang pagbuo ng iyong kit ngayon.
Checklist para sa Emergency (Mga Bata)
Checklist para sa Emergency (Mga Magulang)