Maaaring hindi magkakasama ang iyong pamilya kung magkaroon ng sakuna, kaya mahalagang malaman kung aling mga uri ng sakuna ang puwedeng makaapekto sa iyong lugar. Alamin kung paano kayo makikipag-ugnayan sa isa't isa at muling kumonekta kung magkakahiwalay. Magkaroon ng pamilyar at madaling mahanap na tagpuan para sa pamilya. At, huwag kalimutang isipin ang tungkol sa mga partikular na pangangailangan sa iyong pamilya. Nagbabago ang mga pangangailangan ng iyong pamilya sa paglipas ng panahon, kaya regular na i-update ang iyong plano.

Kanino Kami Makikipag-ugnayan?
Piliin ang parehong tao para makontak ng bawat miyembro ng pamilya. Piliin ang taong nasa ibang lugar—maaaring mas madaling makipag-ugnayan sa kanila kapag may sakuna.
Mag-text, huwag magsalita. Sa isang emergency, maaaring hindi magamit ang mga linya ng telepono. Maaaring mas madaling mag-text at ito ang nagbibigay-daan sa mga linya ng telepono na maging bukas para sa mga emergency worker.

Saan Tayo Magkikita?
Mag-isip ng ligtas, pamilyar, naa-access na mga lugar kung saan puwedeng pumunta ang iyong pamilya para sa proteksyon o muling pagsasama-sama. Kung mayroon kang mga alagang hayop o gabay na hayop, isipin ang tungkol sa mga lokasyong angkop sa hayop. Isaalang-alang ang mga lugar sa iyong bahay, sa iyong kapitbahayan, at sa labas ng iyong lungsod o bayan upang maging handa ka sa anumang sitwasyon.

Magsanay, Magsanay, Magsanay!
Sa sarili mong listahan o gamit ang mga mapagkukunan sa ibaba, isulat ang iyong mga contact at plano. Siguraduhing lahat sa pamilya ay may mga kopya at nakalagay ang mga ito sa ligtas na espasyo, tulad sa loob ng backpack, wallet, o naka-tape sa notebook. Ilagay ang mga ito sa iyong cell phone kung mayroon ka nito. Magkaroon ng mga regular na pagpupulong sa sambahayan upang suriin at isagawa ang iyong plano.
Mga Mapagkukunang Maaaring I-download
Mag-print ng Planong Pangkomunikasyon at punan ito kasama ng iyong pamilya.
Planong Pangkomunikasyon ng Pamilya (Mga Bata)

Planong Pangkomunikasyon ng Pamilya (Mga Nasa Hustong Gulang)

Mga Card na Maaaring Punan para sa Planong Pangkomunikasyon ng Pamilya sa Emergency
