Ang pagiging handa sa panahong may mga sakuna ay nagsisimula sa tahanan. Lahat ay puwedeng maging bahagi ng pagtulong sa paghahanda para sa mga emergency. Parehong puwedeng maging bahagi ng proseso ang maliliit na bata at mga teenager. Bilang magulang, tagapag-alaga, o iba pang miyembro ng pamilya, mayroon kang mahalagang tungkulin na dapat gampanan pagdating sa pagprotekta sa mga bata sa iyong buhay at sa pagtulong sa kanila na maging handa kung sakaling magkaroon ng sakuna.
Sa page na ito, makakahanap ka ng mga materyales para buuin ang plano ng iyong pamilya para sa emergency, impormasyon para sa kung paano mo matutulungan ang mga bata na harapin ang suliranin kung naranasan nilang magkaroon ng sakuna, at mga tip upang matulungan ang iyong mga anak na maging handa kapag may mangyaring sakuna. Gamit ang mga tool na ito, maaaring maging handa ang mga bata at ang kanilang mga pamilya nasa bahay man sila, paaralan, o kahit saan pa.
Gawing Handa ang Iyong Pamilya
Bumuo ng Kit. Alamin ang mga plano para sa paglikas. Isipin kung sino ang tatawagan at kung saan ang tagpuan kapag may mangyaring sakuna. Simulan ngayon ang plano ng pamilya para sa emergency.
Pagtulong sa Mga Bata na Harapin ang Suliranin
Ang iyong suporta ay makakatulong sa mga bata na harapin ang suliranin kung may mangyaring sakuna.
Higit pang Sanggunian para sa Mga Pamilya
Hanapin ang mga bagay na hinahanap mo—kahit na hindi ka pa sigurado.
Mga Laro
Maglaro ng mga game para magsanay na maging handa kapag may sakuna. Tuklasin
Mga Oportunidad para sa Kabataan
Mga oportunidad para sa kabataan upang magkaroon sila ng mga kasanayan at maging mga lider. Tuklasin
Espanyol (Spanish)
Recursos disponibles en español (Resources available in Spanish). Tuklasin
Mga Laro para sa Mga Bata
Mga Laro para sa Mga Bata
Maghanap ng mga nakakatuwang laro na puwedeng laruin kasama ang iyong pamilya. Maglaro ngayon.